NAGBANTA | Ibabasura ang probisyon ng 2019 nat’l budget kung makakikita ng bahid ng katiwalian

Manila, Philippines – Hindi magdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang veto power o ibasura ang anomang probisyon ng ipapasang 2019 national budget kung makikitaan ito ng anomang porma ng katiwalian.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kung ipipilit ng mga mambabatas na magsingit ng mga proyektong kuwestiyonable, maaari naman itong tanggalin ng Pangulo upang matiyak na mapangangalagaan ang pondo ng taumbayan.

Paliwanag ni Diokno, madali namang himayin ang budget dahil naka-itemize naman ito at makikita kung anong mga proyekto ang bibigyan ng partikular na budget at kung saan gagamitin ng Pangulo ang kanyang veto power.


Ang usapin ng insertion sa budget ay ang pangunahing dahilan kung bakit na delay ang pagpapasa ng Kongreso ng 2019 proposed national budget.

Facebook Comments