Manila, Philippines – Nag-rally sa harapan ng DOJ sa Padre Faura, Maynila ang isang grupo ng mga kabataan.
Ito ay para kondenahin ang martial law extension sa Mindanao at ang anila’y patuloy ng mga pagpatay sa rehiyon.
Itinuro ng grupong Kalinaw Youth Network ang militar na nasa likod ng mga pagpatay sa Mindanao.
Kabilang anila sa mga napatay sina Aniceto Lopez Jr., Secretary General ng Grupong KASAMA sa Bukidnon at James Flores mula sa Grupong Pamulad ng Davao na binaril sa Tagum City, Davao del Norte.
Bago ito binaril din at napatay ang 25-anyos na si Aaron Notarte na pinag-hihinalaang miyembro ng NPA.
Itinuturo ng Kalinaw Youth Network ang mga miyembro ng 75th Infantry battalion ng Philippine Army na nasa likod ng naturang pagpatay.
Nagbanta ang grupo na magsasagawa sila ng mas malaki pang pagkilos sa February 1 at 23 kasabay ng paggunita ng National days of Action laban sa Tyranny at Diktadurya.