NAGBANTA | Kamara, nagbabala na hindi aaprubahan ang TRAIN-2

Manila, Philippines – Nagbanta si House Committee on Ways and Means na hindi aaprubahan ang ikalawang TRAIN kung hindi mailalatag ng maayos at maipapatupad ang implementing rules and regulations para sa social benefits sa ilalim ng unang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito ay matapos mabulgar na hindi pa lubos na naipapatupad ang mga social benefits programs sa ilalim ng TRAIN.

Sa pagdinig ng komite, inamin ng gobyerno na hindi pa nauumpisahan ang pamamahagi ng P200 na voucher para sa pantawid pasada ng mga pampasaherong jeep.


Maliban dito, hindi pa rin naipapamahagi ang unconditional cash transfer sa kabuuang 10 milyong pamilya na target nito.

Sinabi ni BIR Operations Group Arnel Guballa na patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang social benefits sa ilalim ng TRAIN.

Dismayado naman si Cua dahil naipasa ng Kongreso ang TRAIN Law dahil sa nakapaloob na social benefits.

Facebook Comments