NAGBANTA | Labor Secretary Bello, nagbanta na pababalikin ng bansa ang labor attaché sa Kuwait

Manila, Philippines – Sa gitna ng usapin ng pagsuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait, nagbanta ngayon si Labor Secretary Silvestre Bello III, na pauuwiin niya ang mga labor attaché sa Kuwait na hindi matutugunan ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Bello, kahil isang mensahe lang ang matanggap ng kaniyang opisina mula sa mga OFWs na nagrereklamo dahil hindi matugunan ang kanilang pangangailangan, ay agad niyang irerecall ang mga labor attaché doon.

Sa kasalukuyan ayon sa kalihim, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kinatawan ng ating bansa sa Kuwait, upang tukuyin ang sanhi ng pagkasawi ng pitong OFW’s doon.


Matatandaan nitong Biyernes, nang kanselahin ng DOLE ang pagi issue ng Overseas Employment Certificate sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa Kuwait, bunsod ng pagkasawi ng ating mga kababayan.

Facebook Comments