Manila, Philippines – Nagbanta ang ibat ibang Labor group ng mas malaking kilos protesta kung hindi tutuparin ni Pangulong Duterte ang pagwakas ng Kontrakwalisasyon sa bansa.
Ayon kay ALU TUCP Spokesman Alan Tanjusay – Dismayado ang mga manggagawang Pilipino sa naging hakbang ng pangulo sa pagbalewala sa kanilang hanay para mabigyan ng disente at tamang pasahod sa pamamagitan ng pagbibigay ng security of tenure sa mga manggagawang Pinoy.
Paliwanag ni Tanjusay, nangako noon ang Pangulo sa kaniyang kampanya na tatapusin na ang Kontrakwalisasyon kaya napaniwala naman aniya ang mga manggagawa kaya binoto nila si pangulong Duterte sa paniwalang tutuparin nito ang kanyang pangako na tutuldukan na ang ENDO.
Dismayado ang kanilang hanay sa pagbabalewala ng Pangulo sa mga manggagawa Pinoy para mabigyan ng marangal at magandang kinabukasan.
Umaasa ang mga Labor groups na magbabago rin ang isip ng pangulo at pipirmahan ang Executive Order upang wakasan na ang Kontrakwalisasyon na nagpapahirap anila sa mga ordinaryong manggagawang Pilipino.