NAGBANTA | SolGen Calida, balak magsampa ng kasong libelo laban kay Trillanes

Manila, Philippines – Nagbanta si SolGen Jose Calida na kakasuhan niya ng libel at damages si Sen. Antonio Trillanes

Ito ay kung hindi nya babawiin ni Trillanes ang mga akusasyon nito laban sa kanya

Partikular dito ang mga pahayag ni trillanes na ninakaw daw ni Calida ang amnesty application ng Senador kaya hindi mahanap sa records ng AFP personnel division


Iginiit ni Calida na sa katunayan hindi pa siya nakakapasok sa tanggapan ng j-1 o ang personnel division sa Camp Aguinaldo kaya imposibleng nakawin niya ang records ni Trillanes.

Mismong si Lt.Col thea joan andrade na siyang hepe ng discipline, law and order division ng office of the Deputy Chief of Staff for Personnel na siyang tumatayong custodian ng mga records ay nag isyu ng sertipikasyon na walang kopya ng aplikasyon para sa amnestiya si Trillanes.

Facebook Comments