NAGBANTA | Substantial across-the-board wage increase petition, ihahain

Manila, Philippines – Nagbanta na ang pinakamalaking labor group sa bansa na maghahain ng petisyon para sa substantial across-the-board wage increase ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ito ay sa harap ng hindi makatwiran na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo bunga ng implementasyon ng Tax Reform Inclusion and Acceleration o TRAIN.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson Allan Tanjusay, mapipilitan silang maghain ng petisyon para sa wage increase upang makasabay ang mga manggagawa sa pagtaas ng cost of living kahit epektibo pa ang isang taon na no wage increase period na itinakda ng wage board.


Aniya maaaring sabay-sabay na magsampa ng petisyon ang ALU-TUCP sa 17 regional wage boards o sa pamamagitan ng Emergency Legislation ng House of Representatives.

Facebook Comments