Manila, Philippines – Aarangkada ang kilos protesta ngayong araw ng grupong pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operator nationwide o PISTON para manawagan ng ‘general oil price rollback’.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, ikakasa nila ang protesta sa harap ng shell tower sa Makati City sa ganap na alas-10:00 ng umaga.
Mariin aniya nilang kinokondena ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Babala pa ni San Mateo, magsasagawa rin sila ng strike bilang pagkontra sa jeepney phase out at pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Bagama’t hindi aniya sila humihingi ng taas-pasahe, humiling sila sa gobyerno na pagbigyan ang kanilang anim na pisong diskwento sa langis para sa mga driver at operator ng Public Utility Vehicles (PUV).