Nagbebenta ng nakaw na gadget, arestado

Isang lalaki na gumagamit ng impormasyon mula sa isang nakaw na telepono upang makapanloko ng mga customer ng biktima ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan sa nangungunang e-wallet GCash.

Naghain ng reklamo ang biktima laban kay Fritz Kelly Siscar, residente ng Brgy. San Bartolome, Quezon City.

Batay sa reklamo, nagawang ma-access ni Siscar ang  social media marketplace platform sa telepono ng biktima na iniulat na ninakaw.


Pagkatapos ay ibinenta ng suspect ang ninakaw na gadget sa isa pang tao, na binayaran ang unit na hindi na-deliver ni Siscar. Makaraang mapagtanto ang sitwasyon, ang dalawang biktima ay agad na nagsumbong sa PNP, na agad tinugis at inaresto si Siscar.

Ang GCash ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, tulad ng PNP, CIDG, CICC, at NBI upang protektahan ang kanilang mahigit 79 million users mula sa mga kriminal, scammers, at fraudsters. Ang pagtutulungan ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaang scammers at sa pagharang sa mga kaduda-dudang accounts.

Pinalawak ang  adbokasiyang ito sa pagpapakalat ng kamalayan sa cybercrime activities, na pinaniniwalaan ng GCash na mahalaga sa pangkalahatang misyon na tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na gumagamit ng digital services.

Para humingi ng tulong, makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560, 0998-598-8116, o via email sa  acg@pnp.gov.ph

Upang mag-report ng scams at fraudulent activities, bisitahin ang official GCash Help Center sa help.gcash.com/hc/en-us o mag-message sa Gigi sa website at i-type, “I want to report a scam.”

Ang GCash ay hindi kailanman magpapadala ng private messages para humingi ng personal information, lalo na ang MPIN at One-Time Pin (OTP). Maaaring tumawag sa official GCash hotline 2882 para sa mga katanungan at iba pang concerns.

Facebook Comments