Isa na namang indibidwal ang hinuli ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation angd Detection Group (CIDG) Pampanga Field Unit, 301st Mobile company at Department of Trade and Industry (DTI) Pampanga sa Jose Abad Santos Avenue, Brgy. Dolores, City San Fernando kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng CIDG ang suspek na si Karstin Gamboa na huli sa akto ng pagbebenta ng overpriced isopropyl alcohol at thermal scanners.
Nakuha sa kanya ang 142 botelya ng tig-isang litro ng 70% isopropyl alcohol na binebenta sa halagang ₱230.00 bawat isa; 6 na thermal scanner na binebenta ng ₱4,300.00 bawat isa; at isang kulay pulang motorsiklo na ginamit na pang-deliver.
Ang mga nakumpiskang produkto ay may kabuuang selling price na ₱73,860.00 na mataas sa DTI suggested retail price.
Nahaharap na ngayon si Gamboa sa kasong paglabag sa Republic Act 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at Republic Act 7581 ang Price Act.