Hinuli ng mga tauhan ng CIDG Camarines Sur at local PNP at DTI teams ang isang 41 anyos na babae sa Kadlan, Pili, Camarines Sur.
Kinilala itong si Cherry Mae Abilay, na nahuli sa akto ng pagbebenta ng mga galon ng 70% solution isoprophyl alcohol sa halagang 1,200 piso.
Nakuha sa kanya sa isinagawang entrapment operation ang 51 gallons ng isoprophyl alcohol, limang thermal scanners na ibinibenta sa halagang Php7,500.00, mga resibo at isang libong pisong buy-bust money.
Aabot sa kabuuang “selling price” na 98,700 piso, ang nakuha sa suspek gayong base sa itinakda ng DTI na suggested retail ay 27,710 Lang dapat ang kabuuang presyo nito.
Kinasuhan na ang suspek ng paglabag sa Cases sa RA 7581 as amended by RA 10623 (Price Act), at RA 7394 (Consumer’s Act of the Phil.).