NAGBEBENTA NG SAMPAGUITA, ARESTADO SA KASONG TRESPASS TO DWELLING

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki sa kasong Trespass to Dwelling sa Brgy. Nagassican, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Peter”, 45-anyos, at residente ng Purok 6 Brgy. Malitao, Echague, Isabela.

Ayon sa mga otoridad, pumasok ang suspek sa kwarto ng biktima na noon ay natutulog kung saan agad naman itong dinakip ng mga barangay tanod ng nasabing barangay.


Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Art.279 ng Revised Penal Code (Trespass to Dwelling).

Samantala, ang pagkakadakip sa suspek ay nagpapatunay na hindi titigil ang kapulisan ng Santiago sa pagsugpo sa kriminalidad.

Facebook Comments