NAGBENTA SA KALABAN? | Di umano’y pagbibenta ng national police firearms sa NPA, pinaiimbestigahan ni SOJ Aguirre

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) ang di umano’y pagbibenta ng mga armas ng Philippine National Police sa New People’s Army.

Ito ay kasunod na rin ng mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang 1 libo at apat na nawawalang firearms mula sa headquarters ng Philippine National Police.

Tiniyak ni Aguirre na mananagot sa batas ang mga indibidwal, pribado man o kawani ng pamahalaan na nasa likod ng di umano’y pagbibenta ng mga nasabing armas sa mga rebelde.


Inatasan na rin ni Aguirre ang NBI na regular na magsumite sa kaniya ng ulat kaugnay dito, at sampahan agad ng kaso ang mga lulutang napangalan sa imbestigasyon.

Facebook Comments