Nagbibigay benepisyo sa Indigenous People’s Mandatory Representatives, isinabatas na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 139 o ang kautusan na nag-o-otorisa sa pagbibigay ng death at burial benefits sa Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR) sa mga baranggay, na nasawi sa loob ng kanilang termino o panahon ng panunungkulan.

Sa ilalim ng EO, binigyang diin ang pangangailangan na i-recognize ang kontribusyon ng IPMR sa mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng benepisyo na tinatamasa rin ng kapareho nilang opisyal.

Inatasan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples at Department of Budget and Management na alamin ang halaga na magko-cover sa death at burial benefits ng IPMR at bayaran ito.


Pinasasama na rin ito sa annual budget proposal na subject pa rin sa regular budgeting process.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang kautusan noong ika-18 ng Hunyo, 2021.

Facebook Comments