NAGBIGTI | Isang dalaga, nagpakamatay matapos ipilit ipakasal ng magulang sa lalaking hindi niya gusto sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro City – Nagpakamatay ang isang dalaga matapos pilitin ng kaniyang mga magulang na ipakasal sa lalaking hindi niya gusto sa Santa Barbara Subdivision, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng pulisya, nagpakalasing muna ang biktimang si Diana Faustino, 23-anyos, bago nagbigti sa loob ng bahay na kanilang pinagtatrabahuan.

Mismong ang kapatid nito na si Miralyn ang nakakita sa bangkay ni Diana kung saan aniya nagtatampo ang kaniyang ate sa kanilang mga magulang dahil pinipilit daw itong ipakasal sa lalake na hindi naman nito mahal.


Sa ngayon ay hindi pa nakakapagbigay ng reaksyon ang kanilang mga magulang kaugnay sa nasabing insidente.

Facebook Comments