NAGBIGTI | Isang punong barangay sa Iloilo, nagpakamatay

Iloilo – Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang dahilan sa nangyaring pagpapakamatay ng isang punong barangay sa Luag, Dueñas, Iloilo.

Sa ulat, natagpuan na lamang si punong barangay Roger Bautista, 53-anyos, na nakabitay na sa puno ng kahoy, 50-metro mula sa kaniyang tahanan.

Naniniwala ang pamilya na nag-suicide ang punong barangay bagaman at blangko ang mga ito sa maaring dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.


Iimbestigahan naman kung may foul play sa pakamatay ng barangay captain kung saan muli siyang nahalal sa pwesto sa katatapos lamang na eleksiyon.

Facebook Comments