NAGBIGTI | Kapitan ng barangay sa bayan ng Manapla, Negros Occidental, nagpakamatay

Negros Occidental – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Manapla, Negros Occidental matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Gil Parreñas, kapitan ng Barangay Poblacion II nang makita itong nakabitin sa sala gamit ang pisi.

Palaisipan pa sa pamilya kung ano ang sanhi ng kanyang pagpapakamata.


Napag-alaman pa na kataapos lang din mag-celebrate ng knaiyang ika-55 na kaarawan ang biktima bago ito nagpakamatay.

Facebook Comments