Nagbitiw si Haitian Prime Minister Jack Guy Lafontant.
Ito ay matapos siyang ulanin ng kilos protesta dahil sa plano ng kanyang pamahalaan na taasan ang presyo ng langis ng hanggang 51%.
Ipinadala ni Lafontant ang kanyang resignation letter kay President Jovenel Moise.
Nabatid pinasasagot ang Punong Ministro matapos ang mga nangyayaring marahas na mga riot sa pagitan ng Hulyo 6 at 8 na ikinamatay ng pitong tao habang daan-daang establisyimento ang nabiktima ng pagnanakaw.
Facebook Comments