NAGBITIW | Justice Asec. Macarambon, nagresign na

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nagbitiw na sa pwesto si Justice Assistant Sec. Moslemen Macarambon Sr., kasunod ng panawagan sa kanya ng Pangulo na mag-resign na

Ayon kay Sec. Guevarra, usapin na ito ng trust and confidence sa pagitan ng Pangulo at ng kanyang mga inilulklok sa pwesto.

Sinabi ng Kalihim na sa kanyang pagkaka-alam ay may napili na ang Pangulo ng kapalit ni Macarambon sa DOJ.


Nauna nang inatasan ni Sec. Guevarra ang lahat ng kanyang Undersecretaries at Assistant Secretaries na magsumite ng courtesy resignation.

Sa naging anunsyo ng Malacanang, sinasabing ang pagkakadawit ni Macarambon sa smuggling ng ginto sa NAIA ang naging mitsa ng panawagan resignation ng Pangulo.

itinanggi naman ito ni Macarambon at nanindigang wala siyang ginawang mali.

Facebook Comments