Nagbitiw na Customs Commissioner Nicanor Faeldon, nanindigang ginawa ang lahat para sa ahensya

94

Manila, Philippines – Binigyan diin ni outgoing Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ibinigay na niya ang lahat ng magagawa sa ahensya.

Sa turn-over ceremony, pinasalamatan ni Faeldon ang lahat ng empleyado ng BOC na kanyang nakatrabaho sa loob ng anim na buwang panunungkulan.

Ayon kay Faeldon, tulad ng mga nagawa niya sa ahensya, tiwala siya sa kakayahan ni incoming BOC Comm. Isidro Lapeñas.


Hiniling din ng opisyal na suportahan ang bagong pinuno ng BOC.

Facebook Comments