Alas-9:00 ngayong umaga, Setyember 2, nakatakda ang unang pagdinig ng House Infrastructure Committee kaugnay sa maanomalya at palpak na mga flood control project.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, na Co-Chairperson ng House Infra Committee, imbitado pa rin sa pagdinig si dating Secretary Manuel Bonoan kahit nagbitiw na ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama ring inimbitahan ang bagong kalihim ng DPWH na si Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Ridon, pangunahing tututukan ng pagdinig ngayon ang ginawang site inspection ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mga ghost at substandard na proyekto sa Bulacan.

Dagdag pa ni Ridon, sisilipin din sa pagdinig ang undercapitalized na mga kompanya na naka-corner ng bilyun-bilyong pisong flood control contracts sa gobyerno.

Facebook Comments