Manila, Philippines – Pinagsasalita ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nagbitiw na Kalihim ng Department of Information and Communications Technology na si Sec. Rodolfo Salalima na isiwalat ang mga iregularidad ng kagawaran.
Si Salalima ay nagbitiw dahil hindi na umano nito makayanan ang corrupt pressure at panghihimasok sa trabaho na dinaranas nito sa DICT.
Ayon kay Lagman, noon pang Sept 12 ay lumapit sa kanya sa plenaryo ng Kamara si Salalima at ipinabatid sa kanya ang plano nitong pagbibitiw dahil sa tindi ng pressure.
Nakiusap lamang ito noon na huwag l isapubliko ang dahilan para hindi ma-preempt ang aktwal nitong resignation.
Ngayong nagbitiw na si Salalima, iginiit ni lagman na wala ng dahilan para itago nito ang mga nalalamang iregularidad sa DICT dahil dapat malaman ng publiko kung sino ang nasa likod ng tinatawag nitong corrupt pressure at nanghihimasok sa ahensya.