Nagbitiw na si BuCor Chief Delos Santos, inatasang pamunuan pansamantala ang BuCor habang wala pa siyang kapalit

Manila, Philippines – Sa kabila ng inihaing irrevocable resignation ni Bureau of Corrections chief Benjamin Delos Santos kahapon, inatasan sya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang Director General ng BuCor.

Sa memorandum ni Aguirre kay Delos Santos, ipinaalam nito na naipadala na ng DOJ sa Office of the President ang kanyang resignation.

Pero para hindi mabalam ang operasyon ng BuCor inatasan nito si Delos Santos na ipagpatuloy pansamantala ang kanyang mandato bilang Director General.


Ito ay habang wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na papalit sa kanya.

Kanina, sinabi ni Aguirre na personal nyang irerekumenda sa Pangulo na si retired general Dionisio Santiago na lamang ang ipwesto sa BuCor.

Giit ni Aguirre mataas ang kumpyansa nya kay Santiago dahil ito ay nagsilbi na bilang BuCor chief noong 2003.

Facebook Comments