NAGBITIW? | Office of the President, walang natatanggap na resignation letters ng Justice at Labor Secretary

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na wala pang dumarating na resignation letter ang Office of the President mula kina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ito ay sa harap na rin ng kumakalat na balita na nagbitiw na ang dalawang miyembro ng official family ng Pangulo.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, hanggang sa mga oras na ito ay wala pang nakararating na resignation letters ng dalawa.


Imbitado pa rin naman aniya ang dalawa sa gaganaping cabinet meeting mamayang hapon sa Malacanang.

Sinabi din ni Guevarra na malalaman nalang mamaya sa Cabinet meeting kung ano talaga ang katotohanan sa nasabing issue.

Facebook Comments