PCSO GM Alexander Balutan, nagbitiw sa pwesto!

Nagbitiw sa kanyang pwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan

Ayon kay PCSO Deputy Spokesperson Florante Solmerin – nagbitiw si Balutan dahil sa personal na dahilan.

 

Tumanggi namang magkomento ang opisyal sa ulat na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang retired marine officer dahil sa isyu ng korapsyon.


 

Matatandaang ipinagtanggol noon ng Pangulo si Balutan matapos akusahan ni PCSO Board Member Sandra Cam ng pagsasagawa ng maluhong christmas party noong 2017.

 

Itinanggi na ito ni Balutan at sinabing anim na milyong piso lang ang nagastos sa christmas party sa halip na ang ipinanukalang P14-million budget.

Facebook Comments