NAGDIWANG | Pag-host ng bansa sa 2023 FIBA World Cup, ikinatuwa ng mga Pinoy

Manila, Philippines – Nagdiwang ang maraming basketball fans sa pagkakuha ng Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia ng 2023 FIBA World Cup hosting.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas President Al Panlilio, bumaha ng pagbati mula sa iba’t-ibang opisyal ng sports lalo na ang iba’t-ibang PBA players matapos ang paglabas ng nasabing balita.
Itinuturing naman ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ang pagkapili ng bansa bilang isa sa mga host ng 2023 FIBA World Cup na muling pagbabalik ni Pope Francis sa bansa.

Sinabi pa nito na parang relihiyon ang basketball sa Pilipinas kaya ganoon na lamang ang kasabikan ng maraming mga fans.

Kaya naman sinimulan na aniya ng Pilipinas ang paghahanda para sa nasabing torneyo kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa Indonesia at Japan.


Facebook Comments