Manila, Philippines – Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development para magpatupad ng psychosocial intervention measures sa mga evacuees na na-trauma ng volcanic activities ng Mayon sa Legazpi City Albay.
Sinabi ni DSWD OIC Emmanuel Leyco ,sa ganitong sitwasyon maraming indibidwal matanda man o bata ay apektado ng kaguluhan sa kaisipan kayat dapat sumailalim sa counseling seasions .
Unang pinagtuunan ng atensyon ang mga kabataan kung saan pinagkalooban ng mga laruan ng DSWD bilang bahagi ng play therapy session na isang component ng psychosocial intervention.
Sa usapin ng relief operations, umabot na sa kabuuang P17.1 milyon ang halaga ng relief assistance na naibigay ng DSWD at local government sa mga evacuees. .
Batay sa pinakahuling report, tumaas pa ang bilang ng mga residente sa Albay na lumikas na abot na sa 18,365 pamilya o katumbas ng 69,672 indibidwal.
Nanatili ang mga ito sa 69 evacuation centers na nakakalat sa mga munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Malilipot, at Santo Domingo, Bacacay gayundin sa lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco.