NAGHAHANDA NA | ‘Calibrated’ Oplan Tokhang, balak ipatupad sa Bilibid

Manila, Philippines – Isusulong ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang ‘calibration’ ng oplan tokhang para maipatupad ito sa New Bilibid Prisons sakaling maupo na siya bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Dela Rosa – mayroon siyang dalawang kaklase mula sa Philippine Military Academy class 1986 na nasa BuCor na nagpapatupad ng ilang hakbang bilang paghahanda sa kanyang pag-upo sa Marso o Abril ng susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Dela Rosa – na maaring gumamit sila ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagsasagawa ng anti-drugs operations sa loob ng Bilibid.


Nabatid na magreretiro si Dela Rosa sa January 21, 2018 dahil sa mandatory retirement age na 56 pero pinalawig pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Facebook Comments