NAGHAHANDA NA | EPD, magkakasa ng ocular inspection sa People Power Monument

Manila, Philippines – Magsasagawa ng ocular inspection ngayong umaga ang Eastern Police District (EPD) sa EDSA People Power Monument.
Ito ay may kaugnayan sa nalalapit na ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power sa Linggo, February 25.
Pangungunahan ni EPD District Director PCSupt. Reynaldo Biay ang nasabing inspeksyon.
Partikular na titiyakin ng EPD maging ng QCPD ang seguridad ng mga dadalo sa nasabing aktibidad.

Samantala, paalala sa mga motorista dahil magsasagawa ng rehearsal ang National Historical Commission of the Philippines sa People Power Monument mamayang alas 8 ng umaga.

Kaya paalala ng MMDA sa mga motorista umalis ng mas maaga o gumamit ng mga alternatibong ruta dahil paniguradong magkakaroon ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA northbound lane ngayong araw.


Facebook Comments