NAGHAHANDA NA | Manila Bay, target na ring isailalim sa rehabilitasyon

Manila, Philippines – Naghahanda na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kilala ang Manila Bay dahil sa masisilayan ang paglubog ng araw subalit ang tubig nito ay itinuturing na pinakamarumi sa bansa dahil sa mga basura, domestic at toxic industrial waste.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – nais niya muling maibalik ang Manila Bay sa dati nitong ganda.


Gagamitin ang all-out-strategy gaya ng rehabilitation plan ng Boracay.

Aalamin din ng DENR kung ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na sakop ang Manila Bay ay sumusunod sa environmental laws.

Magtatayo rin ng Manila Bay Command Center sa apat na field offices nito sa anim na coastal cities ng Metro Manila partikular ang Malabon, Navotas, Manila, Pasay, Parañaque at Las Piñas.

Hihingi rin ng tulong ang DENR sa mga law enforcement agencies para tugisin ang mga lumalabas sa environmental laws.

Base sa 2017 report ng DENR Environment Management Bureau, ang fecal form level sa Manila Bay ay mataas.

Facebook Comments