Sports – Nasa Japan na ngayon ang Filipino boxer na si Milan Melindo para sa nalalapit na laban nito kay Ryoichi Taguchi sa New Year’s Eve (December 31).
Kasama ni Melindo ang kaniyang boxing team upang paghandaan ng mas magaa ang nasabing laban na gaganapin sa Ota City General Gymnasium sa Metro Tokyo.
Target ni IBF Light Flyweight Division Champ na si Melindo na masungkit ang hawak na WBA Light Flyweight Belt kay Taguchi.
Hawak ni Melindo ang record na 37 panalo, tatlong talo at 13 knock outs habang si Taguchi ay mayroong 26 panalo, 2 talo at 2 tie na mayroong 12 knock outs.
Facebook Comments