Manila, Philippines – Naghahanda na ang Philippine Red Cross Manila para tumulak sa Legaspi City sa Albay para mag-deliver ng tubig sa mga Evacuation Centers at mga apektadong lugar sa Bicol Region bunga ng pag aalburoto ng Mayon Volcano.
Una rito, nakipag-koordinasyon ang Philippine Red Cross sa Local Government Unit sa Albay upang matiyak ang maayos na Disaster Response Operation at maiwasan na rin na magkaroon ng casualties.
Nagkaloob na rin ng humanitarian Aid ang Red Cross tulad ng mga dust masks para protektahan ang mga residente sa munisipalidad ng Camalig at Guinobatan Albay.
Nag mobilized na rin ng water tanker ang Philippine Red Cross para magkaroon ng malinis na tubig ang mga residente apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.