Pangungunahan ni Woman Grand Master Janelle May Frayna ang kampanya ng Philippine Women’s Chess Team sa gaganapin World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.
Hahawakan ni Frayna ang top board sa torneo na magsisimula sa Setyembre 23 hanggang Oktubre A-sais.
Matagal nang naghahanda ang koponan at buo na rin ito matapos ang matagumpay na kampanya ni Frayna sa Europa kamakailan.
Makakasama ni Frayna sa Batumi Chess Olympiad sina WIM Shaina Mae Mendoza, WIM Catherine Secopito, WIM Bernadette Galas at WIM Marie Antonette San Diego.
Si GM Jayson Gonzales ang tatayong coach at team captain ng koponan.
Facebook Comments