
Ibinuking ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City Rep. Edgar Erice na dating abogado ni First Lady Liza Marcos si Atty. Andre de Jesus na syang naghain ng unang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sabi ni Erice, si De Jesus ay nagsilbing abogado ng unang ginang noong November 2024 ng ito ay maghain ng disbarment case laban kay Atty. Glenn Chong.
Ayon kay Erice, naging tagapagtanggol ni First Lady Liza si Atty. De Jesus laban sa mga paninira umano ni Chong kaya kakaiba na ito ang naghain ng reklamong impeachment laban kay PBBM.
Pinuna din Erice na kulang sa form and substance ang apat na pahinang impeachment complaint na inihain ni De Jesus laban kay President Marcos kaya inaasahan na ito ay agad ding mababasura.










