NAGHAIN | Peter Lim, dumulog sa SC para ipatigil ang imbestigasyon ng DOJ sa kanyang drug case

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na naghain ng petition for certiorari sa Korte Suprema si Businessman Peter Lim.

Layon nito na ipatigil ang reinvestigation ng Department of Justice (DOJ) sa kanyang drug case.

Ayon kay Guevarra, iginiit ni Lim sa kanyang petisyon na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang DOJ dahil ang nasabing kaso aniya ay una nang nabasura noong nakaraang taon.


Nanindigan naman si Guevarra na idedepensa nila ang kanilang aksyon.

Una nang nagmatigas ang kampo ni Lim na maghain ng counter affidavit sa kanyang drug case sa DOJ kaya nagdesisyon ang panel of prosecutors na isubmit for resolution ang kaso.

Taliwas naman ito sa naging hakbang ng iba pang akusadong sina Kerwin Espinosa at Peter Co na kapwa nakapagsumite na ng kanilang kontra salaysay.

Facebook Comments