Pasay City – Nagkita kagabi sina Pangulong Rodirgo Duterte at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Pasado alas-sais ng gabi nang magkita ang dalawa kung saan ay binigyan pa ng bulaklak ng Pangulo si Gray bago lumipad patungong New York City.
Sa pag-uusap, pinasalamatan ng Pangulo si Catriona sa pag-uwi nito ng korona ng Miss Universe at sa pagbibigay ng malaking karangalan sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masaya ang Pangulo sa pagkakapanalo ni Catriona.
Sinabi rin aniya ng Pangulo kay Catriona na nagsasaya ang sambayanang Pilipino sa kaniyang tagumpay.
Facebook Comments