NAGHARAP | LTFRB at PISTON, walang nabuong kasunduan

Manila, Philippines – Walang nabuong napagkasunduan sa pagitan nina LTFRB Chairman Martin Delgra at PISTON President George San Mateo sa kanilang paghaharap.

Nagkaharap ang dalawa habang nag-kikilos protesta ang PISTON sa harap ng tanggapan ng LTFRB sa Quezon City.

Igini-giit ni San Mateo na hindi sa hanapbuhay ng mga tsuper at operators may epekto ang Tanggal Bulok, Tanggal Usok Scheme ng gobyerno kundi malaking perwisyo din ito sa mga pasahero


Pero, binigyan diin ni Delgra na mas mainam kung sa tamang venue na lamang pag-usapan ang himutok ng grupo.

Sa halip, pinakiusapan ni Delgra ang PISTON na kusa nang mag-disperse dahil nakakaabala na sila sa mga motorista na dumadaan sa East Avenue sa QC.

Facebook Comments