NAGHARAP NA | Speaker Gloria Arroyo at dating House Speaker Pantaleon Alvarez, nagharap na

Manila, Philippines – Personal na nagharap kaninang umaga sina Speaker Gloria Arroyo at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, siya ang nagsilbing tulay para makapagusap kanina sina Arroyo at Alvarez.

Tumagal ng 20 minuto ang pag-uusap ng dalawa.


Aniya, maayos naman ang naging pagtanggap ni Alvarez kay Arroyo kung saan nakangiti naman ang dating Speaker nang makaharap si CGMA.

Hindi pa ina-aknowledge ni Alvarez na Speaker si CGMA kundi “Maam” pa ang tawag nito dito.

Sa kanilang pag-uusap, inalok ni CGMA si Alvarez na magpalit na sila ng opisina.

Nakiusap naman si Alvarez na sa Lunes na i-take over ni CGMA ang Speaker’s office.

Wala naman na ibang detalye pa na ibinahagi tungkol sa naging personal na pag-uusap pa ng dalawa.

Samantala, ongoing naman ngayon ang meeting ng PDP-Laban kasama si CGMA kung saan pinaguusapan pa rin ang rigodon sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments