NAGHIGANTI | Lalaki, arestado matapos patayin ang 8-anyos na bata sa Baguio

Baguio City – Arestado ang isang lalaki matapos nitong mapatay ang isang walong taong gulang na batang lalaki sa Lake Drive, Baguio City.

Sa ulat, umamin sa krimen ang suspek na si Randy Doria kung saan pinukpok niya ng bato sa ulo ang bata.

Nabatid na kalalabas lamang sa paaralan ang grade 2 student na biktima ng masalubong nito ang suspek.


Iginiit ng suspek na binawian lang nito ang biktima dahil sinaksak siya ng tatay ng bata dalawang buwan na ang nakakaraan.

Facebook Comments