Manila, Philippine*s – *Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na kailangang dumaan sa Pre-School Education partikular sa kindergarten ang mga batang may edad limang taong gulang.
Ito ay kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng ahensya ng age requirement sa mga batang papasok ng Grade 1.
Sa interview ng RMN kay Education Usec. Tonisito Umali layunin nitong maging competent ang mga mag-aaral at maipatupad ng maayos ang K-to-12 Program ng gobyerno.
Hindi narin papayagan pang mag-enroll sa grade 1 ang isang bata kung walang Learners Reference Number na patunay na nakumpleto na nila ang Kindergarten.
Pero dadaan naman aniya sa isang examination ang mga batang hindi dumaan sa Pre-Learner’s Education.
Nabatid na noong 2016 pa nang ipinatupad ang naturang batas.