Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ngayon ni Keanna Reeves na hiniwalay na pala siya sa 20-anyos na boyfriend na si John Del Rosario.
Ayon kay Keanna, ngayon lang daw siya naging bukas na pag-usapan ang isyu dahil mahal talaga niya ang dating nobyo at bigla niya itong na-miss pagkatapos ng Valentine’s Day.
Hindi raw kasi nagustuhan ng mother ni John ang mga negatibong komento ng netizens pagkatapos umamin sa kanilang relasyon.
Magkaganoon pa man, kailangan daw niyang mag-move on na pero nanghihinayang siya lalo na’t mahirap makahanap ng lalaking tulad ni John na kayang umibig sa kaniya lalo na’t mahigit sa 30 years ang agwat ng kanilang edad.
Facebook Comments