Manila, Philippines – Hihigpitan ng Department of Energy ang bentahan ng maliliit na tangke ng LPG.
Sa regulasyon na inilabas ng DOE, papayagan lamang ang pagbebenta ng 2.7 kilograms na tangke ng LPG kung lalagyan ang mga ito ng marka na nagsasabing “for out door use only”.
Ito ay matapos na lumabas sa mga imbestigasyon na ilan insidente ng sunog ay dahil sa pagtagas ng LPG mula sa mga maliliit na tangke.
Sa paliwanag ng DOE walang pressure release bulb at regulator ang mga maliliit na tangke.
Layon nitong maitaas ang pag-iingat ng publiko sa paggamit ng LPG at mabawasan na rin ang panganib nito.
Facebook Comments