Naging kontribusyon ng AFP Corps of Engineers sa paglaban sa COVID-19, kinilala sa kanilang ika-84 founding anniversary

Binigyang pagkilala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga nagawa ng mga opisyal at miyembro ng AFP Corps of Engineers sa nakalipas na taon sa pagdiriwang ng kanilang ika-84 founding anniversary nitong May 28, 2021.

Ilan sa mga kinilala sa mga nagawa ng mga ito ay ang pagtatayo ng mga quarantine facility sa iba’t ibang panig ng bansa.

Maging ang kanilang mga rehabilitation efforts sa panahon ng kalamidad at natural calamities.


Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, naiangat ng AFP Corps of Engineers ang kanila kakayanan para mas skilled at dependable builders para suportahan ang national development efforts.

Ilan sa mga pinarangalan bilang mga Best Battalions for Calendar Year 2020 ay ang engineering units ng 564th Engineer Construction Battalion ng 51st Engineer Brigade, PA; 512nd Engineer Construction Battalion ng 52nd Engineering Brigade, PA; 546th Engineer Construction Battalion ng 53rd Engineering Brigade, PA; 547th Engineer Construction Battalion ng 54th Engineering Brigade, PA; at 551st Engineer Construction Battalion ng 55th Engineering Brigade, PA.

May mga naparangalan din ng Best Humanitarian Assistance and Disaster Response Battalion for 2020.

Facebook Comments