Naging kontrobersiya sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng Taiwan issue, naplantsa na

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na naging matagumpay ang huling pag-uusap ng Pilipinas at China sa ilang mga kontrobersyal na isyu.

Kasunod ito ng ginanap na China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea.

Kabilang sa napag-usapan sa pagpupulong ang hinggil sa pag-alma ng China sa pagbati ng Pangulong Bongbong Marcos sa bagong lider ng Taiwan.


Nanindigan naman ang Tsina sa giit nito sa Pilipinas na dapat na nang maglabas ng mga pahayag sa usapin ng Taiwan.

Kabilang din sa natalakay sa meeting ang mapayapang pagresolba sa mga kontrobersiya sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at CHina.

Facebook Comments