Naging pagpu-pulong nina Pangulong Duterte at Chinese Vice Premier Hu Chunhua sa Malakanyang, sumentro sa apat na usapin sa Palasyo

Sumentro sa apat na bagay ang napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Chinese Vice Premier Hu Chunhua na nag-courtesy call sa Chief Executive sa Malacanang.

Sa naging pagkikita kahapon ng Presidente at ng Chinese official, kasama sa kanilang napag-usapan ang mga may kinalaman sa trade and investment, agriculture gayundin sa turismo.

Ayon sa Punong Ehekutibo, pagpapakita ng naging pagbisita ni Vice Premier Hu sa bansa ang mas gumaganda at yumayabong pang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.


Sinabi rin ng Pangulo na ang kanyang naging dalawang China sa taong ito ay isa ring matibay na commitment ng kanyang administrasyon upang mas mapalakas pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Kabilang sa delegasyon ng China sa courtesy call sa Pangulo ay sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, head ng State Council ng China at mga Ministro nito sa Foreign Affairs, Commerce, Trade at iba pa.

Sa hanay naman ng pamahalaang Pilipinas ay kasama sina DFA  Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez, DTI Secretary Ramon Lopez, National Economic and Development Authority Dir. Gen. Ernesto Pernia, Foreign Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Facebook Comments