Naging pahayag ni VP Sara na nasa langit na noon si Quiboloy, tinitingnan ng PNP kung pasok sa obstruction of justice

Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ng ilang personalidad na nagtanggol kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy noong ito ay pinaghahanap pa ng batas.

Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, masusi na nilang pinag-aaralan sa ngayon ang mga inilabas na pahayag o statement sa media at social media ng ilang personalidad tulad ni Vice President Sara Duterte na wala na umano sa Davao City si Quiboloy at ito ay nasa langit na.

Paliwanag ni Fajardo, sisikapin nilang maging air tight ang kaso na kanilang isasampa para mapanagot ang lahat ng mga nagprotekta kay Quiboloy.


Matatandang bumuo na ng special team ang PNP sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG katuwang ang Anti-Cybercrime Group (ACG) para sa pagkolekta ng mga ebidensya at mga testimonya laban sa mga nagkanlong at nagtanggol kay Quiboloy at ipaghaharap ang mga ito ng obstruction of justice.

Facebook Comments