NAGING PAYAPA | Traslacion 2018, generally peaceful – MPD

Manila, Philippines – Inihayag ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na naging mapayapa sa kabuuang isinagawang Traslacion ng poong Nazareno bagamat isa ang naitalang nasawi pero sa pangkalahatang sitwasyon ay naging matahik umano ito.

Ayon kay Margarejo malaking tulong ang pwersa ng pulisya sa pakikipagtulungan ng AFP at ng suporta ng publiko upang maging mapayapa ang naturang okasyon.

Paliwanag ni Margarejo hindi talaga maiiwasan na mayroong masawi sa isinagawang Traslacion lalo’t ang mga sumasama ay nakainom ng alak gaya nalamang ng nangyari kay Ramil Dela Cruz 51-anyos na sumama sa prusisyon nang nakainom.


Giit ng opisyal magsilbing aral na sana ang nangyari kay Dela Cruz na sumasama sa Traslacion ng nakainum dahil makailang beses na nilang pinaalalahanan ang publiko na iwasang uminum ng alak kung nais nilang makiisa sa Traslacion ng Poong Nazareno.

Facebook Comments