Manila, Philippines – Naging problema sa sistema ng BPI, human error lang at hindi insidente ng hacking.
Patuloy ang isinasagawang pagdinig ng committee on banks, financial institutions and currencies na pinamumunuan ni Senator Chiz Escudero.
Kaugnay ito sa naging problema ng Bank of the Philippine Islands o BPI at Banco De Oro o BDO.
Sa pagdinig ay binigyang diin ni BPI Executive Vice President Ramon Jocson na hindi insdente ng hacking ang nangyaring dagdag bawas sa savings ng ilan nilang kliyente noong June 7.
Paliwanag ni Jocson, ang nangyari ay internal data processing error na resulta ng lapse in judgement o pagkakamali ng isa nilang programmer.
Ang nasabing pagkakamali, ayon kay Jocson ay walang malisya at walang intensyon na masama.
Ang nasabing programmer ay tatlong taon na sa BPI ay aminado sa kanyang naging kasalanan at ito daw ay inilipat na ng assignment o sa ibang unit.
Pagtiyak ng BPI, mahirap silang mabiktima ng hacking dahil mayroon silang cyber security system at agad madidetect ang anumang kakaibang behavior na papasok sa sistema ng bangko.
Pahayag ni Jocson, sa nangyaring glitch sa kanilang sistema ay wala silang kliyente na nawalan ng pera.
Fake news din aniya at dinoktor ang yung larawan na kumalat sa social media na nagpapakita ng mga accounts na nalagyan ng milyun o bilyong pisong salapi.
Sabi naman ni Banko Sentral ng Pilipinas o BSP Assitant Governor Chuchi Fonacier, sa kanilang nagpapatuloy na imbestigasyon ay malinaw na numan error lang at hindi insidente ng hacking ang naging problema ng BPI.