Pinagpapaliwanag ni dating Department of Information and Communication Technology (DICT) Usec. Eliseo Rio ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa nangyaring bilangan nitong 2022 national elections.
Naniniwala si Rio na imposible makapagsumite ang mga prisinto ng dalawampung milyong counted votes sa loob ng unang oras ng bilangan ng boto.
Dahil dito ay nagpasaklolo si Rio sa Korte Suprema kung saan nagsumite ito ng writ of mandamus, na sa oras na maaprubahan ay mismong ang kataaas-taasang hukuman na ng bansa ang magpapapaliwanag sa COMELEC kung paano nito nabilang ang 20 million votes sa unang oras palamang ng bilangan ng boto.
Kasaman ni Rio na nagsumite ng nasabing petisyon si running priest Father Robert Reyes, na aminadong hindi naniniwala sa nakuhang boto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi naman ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng writ of mandamus pero iginiit niya na susunod naman sila kung ano ang magiging desisyon ng Korte Suprema.