Naging proseso sa botohan kaugnay ng ginaganap na mock elections para sa halalan sa Mayo, naging madali

Manila, Philippines – Naging mabilis ang proseso ng pagboto ng mga botanteng lumahok sa mock elections ng COMELEC bilang dry run para sa halalan sa Mayo a trese.

Sabay-sabay na isinasagawa ngayon ang mock elections sa animnapung polling places sa ibat-ibang bahagi ng bansa

Sa Toro Hills Elementary School sa Barangay Bahay-Toro sa Quezon City. , isang libong mga botante ang lumalahok sa mock elections.


Bukod sa nasabing polling place, inikot din ng mga opisyal ng COMELEC ang Pope Pius XII Catholic Center sa Paco, Maynila.

Nag-inspeksyon din ang mga tauhan ng poll body sa Manila Science High School sa Barangay 669, Maynila kung saan 890 na mga botante ang mga lumalahok sa dry run.

Ilan sa mga botante ay nagsabing madali ang naging proseso ng kanilang pagboto at madaling nabasa ng scanners ang kanilang biometrics sa loob lamang ng sampung segundo, sa pamamagitan ng Voter Registration Verification System

Tulad na regular na halalan, mayroon ding presensya ng Board of Election Inspectors at election watchers sa mga presinto kung saan ginagawa ang mock elections

Facebook Comments